YTAutomationbyJhon Enroll now
Legal

Terms

Last updated: 6 October 2026

The course

Ang YTAutomationbyJhon ay online course at setup guide para sa YouTube automation gamit ang AI. Pinapatakbo ito ni Jhon Mycho Buerano sa Pilipinas. Sa pag-order, sumasang-ayon ka sa terms na ito at sa Privacy Policy.

Price and payment

  • Sa Pilipinas, nagbabayad ka gamit ang GCash o Maya sa pesos. Sa ibang bansa, PayPal sa US dollars. Ang presyo ay ang nakalagay sa page noong nag-order ka.
  • May launch price na may deadline at limitadong slots. Kapag tapos na ang deadline o ubos na ang slots, babalik ito sa regular na presyo.
  • Iche-check namin ang reference number bago i-approve. Puwede naming i-reject ang order na hindi tugma ang bayad.

Access

  • Six months ang access mula sa araw na na-approve ang bayad mo.
  • Personal ang access: para lang sa email na ginamit mo. Bawal i-share ang login link, ang lessons, ang prompts, o recordings at screenshots ng course.
  • Puwede naming putulin ang access, nang walang refund, kapag na-share ang course o ginamit ito nang labag sa terms na ito.

No refunds

Walang refund kapag nabayaran na at na-approve ang order, dahil bukas na agad sa'yo ang buong course.

No earnings guarantee

Walang guarantee na kikita ka. Nakadepende ang resulta sa niche mo, sa audience mo, sa consistency mo, at sa galing mong gumawa ng videos gamit ang AI. Ang numbers na ipinapakita namin ay resulta ng sarili naming channels, hindi pangako para sa'yo. Complete guide at setup ang course, pero ikaw pa rin ang magbabasa, susunod at gagawa.

What you need

Windows PC, internet, at paid AI plan na may coding agent, gaya ng Claude Pro para sa Claude Code o ChatGPT Plus para sa Codex. Ikaw ang magbabayad at susunod sa sariling terms ng mga serbisyong iyon.

Your channels, your responsibility

Ikaw ang may-ari at responsable sa channels mo. Sundin ang YouTube Terms of Service, Community Guidelines at copyright rules. Hindi kami mananagot kung ma-restrict, ma-demonetize o ma-terminate ang channel mo.

1-on-1 mentoring

Hiwalay ang 1-on-1 mentoring sa course. Pag-uusapan natin sa email ang schedule, presyo at detalye bago ka magbayad.

Changes and contact

Puwede naming i-update ang course at ang terms na ito; ang petsa sa itaas ang huling update. Para sa tanong, i-email ang bueranojhon@gmail.com. Ang batas ng Pilipinas ang sinusunod ng terms na ito.

© 2026 YTAutomationbyJhon · Privacy Policy · Terms · EnglishTaglish